Si Jesus ang tanging solusyon ng Diyos

Ayaw ng Diyos na parusahan ang mga tao. Nais Niyang ibalik ang relasyon. Mahal ng Diyos ang mga tao kaya Siya mismo ang gumawa ng solusyon. Dahil sa pag-ibig Niya sa atin, isinugo Niya si Jesus sa lupa. Ang lahat ng parusang nararapat sa atin ay inilagay kay Jesus. Kusang tinanggap ni Jesus ang ating parusa sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. Muling nabuhay si Jesus mula sa mga patay. Nagtagumpay Siya laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ganitong paraan, inalis ni Jesus ang paghihiwalay sa pagitan ng Diyos at tao.

"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16)

trip_origin trip_origin trip_origin trip_origin circle trip_origin trip_origin trip_origin trip_origin trip_origin trip_origin