Nais mo bang tanggapin ang kaloob ng Diyos?
Maaari mong tanggapin ang kaloob ng Diyos ngayon sa pamamagitan ng panalanging ito. Ipanalangin ito mula sa iyong puso.
"Diyos, nauunawaan ko ngayon na ako ay namuhay sa sarili kong paraan. Nagkasala ako laban sa Iyo. Jesus, naniniwala ako na nagpunta Ka sa krus at Ikaw ay pinarusahan para sa aking mga kasalanan. Tinatanggap Kita bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Salamat, Diyos, na pinatawad Mo ang lahat ng aking mga kasalanan. Naniniwala ako na ako ay Iyong anak. Naniniwala ako na mayroon na akong buhay na walang hanggan. Nais Kitang makilala at sundin. Ibinibigay ko ang aking buhay sa Iyo. Amen."